Nagsabi [si Maria]: “Tunay na ako ay nagpapakupkop sa Napakamaawain laban sa iyo; [lumayo ka,] kung ikaw ay isang mapangilag magkasala.” Maryam 19:18 ⧉
Tafsīr:
Kaya noong nakita niya ito sa anyo ng isang taong lubos ang pagkalikha habang dumadako sa kanya ay nagsabi siya: "Tunay na ako ay nagpapakalinga sa Napakamaawain laban sa iyo na may umabot sa akin mula sa iyo na isang kasagwaan, O heto. Kung ikaw ay isang mapangilag sa pagkakasala, mangangamba ka kay Allah."