Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Maryam — Talata 21 (Tagalog) — Bidyo

Maryam • Talata 21 sa 98 • Tagalog


قَالَ كَذَٰلِكِ قَالَ رَبُّكِ هُوَ عَلَيَّ هَيِّنٌ ۖ وَلِنَجْعَلَهُ آيَةً لِلنَّاسِ وَرَحْمَةً مِنَّا ۚ وَكَانَ أَمْرًا مَقْضِيًّا 21
Pagsasalin:
Nagsabi [si Gabriel]: “Gayon nagsabi ang Panginoon mo: Ito sa Akin ay madali, at upang gumawa Kami sa kanya bilang tanda para sa mga tao at bilang awa mula sa Amin. Ito ay naging isang bagay na naitadhana.” Maryam 19:21
Tafsīr:
Nagsabi sa kanya si Anghel Gabriel: "Ang usapin ay gaya ng nabanggit mo na ikaw ay hindi nasaling ng isang asawa ni ng iba pa rito at hindi naging isang mangangalunya, subalit ang Panginoon mo – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagsabi: 'Ang paglikha sa isang batang lalaki nang walang ama ay magaan sa Akin,' at upang ang anak na ipagkakaloob sa iyo ay maging isang palatandaan para sa mga tao sa kakayahan ni Allāh at maging isang awa mula sa Kanya para sa iyo at para sa sinumang sumampalataya sa Kanya. Ang paglikha sa anak mong ito ay isang pagtatadhana mula kay Allāh na naitakda, na nakasulat sa Tablerong Pinag-iingatan."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Maryam • Talata 20 Susunod Maryam • Talata 22