Nagsabi [si Abraham]: “Kapayapaan ay sumaiyo! Hihingi ako ng tawad para sa iyo sa Panginoon ko. Tunay na Siya laging sa akin ay Magiliw. Maryam 19:47 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi si Abraham – sumakanya ang pangangalaga – sa ama niya: "Kapayapaan ay sumaiyo mula sa akin! Hindi magdudulot sa iyo ang kinasusuklaman mo mula sa akin. Hihiling ako para sa iyo ng kapatawaran at kapatnubayan mula sa Panginoon ko. Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay laging puspos ng kabaitan sa akin.