Kaya noong humiwalay siya sa kanila at sa anumang sinasamba nila bukod pa kay Allāh ay ipinagkaloob para sa kanya sina Isaac at Jacob. Bawat isa ay ginawa Naming propeta. Maryam 19:49 ⧉
Tafsīr:
Kaya noong umiwan siya sa kanila at umiwan siya sa mga diyos nila na sinasamba nila bukod pa kay Allāh, tinumbasan siya sa pagkawala ng mag-anak niya. Ipinagkaloob para sa kanya ang anak niyang si Isaac at ipinagkaloob para sa kanya ang apo niyang si Jacob. Bawat isa sa dalawang ito ay ginawang propeta.