Kaya sumpa man sa Panginoon mo, talagang kakalap nga Kami sa kanila at sa mga demonyo. Pagkatapos talagang magpapadalo nga Kami sa kanila sa paligid ng Impiyerno na nakaluhod. Maryam 19:68 ⧉
Tafsīr:
Kaya sumpa man sa Panginoon mo, O Sugo, talagang magpapalabas nga Kami sa kanila mula sa mga libingan nila patungo sa Kalapan, na mga sasamahan ng mga demonyo nilang nagpaligaw sa kanila. Pagkatapos talagang maghahatid nga Kami sa kanila tungo sa mga pintuan ng Impiyerno bilang mga aba na mga nakaluhod sa mga tuhod nila.