[Sinabi sa kanya ng anghel:] “O Zacarias, tunay na Kami ay nagbabalita ng nakagagalak sa iyo hinggil sa isang batang lalaking ang pangalan niya ay Juan. Hindi Kami gumawa para sa kanya bago pa niyan ng isang kapangalan.” Maryam 19:7 ⧉
Tafsīr:
Kaya tumugon si Allāh sa panalangin nito at nanawagan Siya rito: "O Zacarias, tunay na Kami ay nagpapabatid sa iyo ng magpapagalak sa iyo sapagkat tumugon Kami sa panalangin mo at nagbigay Kami sa iyo ng isang batang lalaking ang pangalan niya ay Juan. Hindi Kami nagtalaga para sa iba pa sa kanya bago pa niya ng pangalang ito."