Sa tuwing nakikipagkasunduan ba sila ng isang kasunduan ay itinatapon ito ng isang pangkat kabilang sa kanila? Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi sumasampalataya. Al-Baqarah 2:100 ⧉
Tafsīr:
Bahagi ng kasagwaan ng kalagayan ng mga Hudyo ay na sila, sa tuwing tumatanggap sila para sa mga sarili nila ng isang kasunduan – na bahagi ng kabuuan nito ay ang pananampalataya sa ipinahiwatig ng Torah na pagkapropeta ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay may kumakalas na isang pangkat kabilang sa kanila. Bagkus ang higit na marami sa mga Hudyong ito ay hindi totoong sumasampalataya sa pinababa ni Allāh – pagkataas-taas Siya – dahil ang pananampalataya ay gumaganyak sa pagtupad sa kasunduan.