Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 105 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 105 sa 286 • Tagalog


مَا يَوَدُّ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ وَلَا الْمُشْرِكِينَ أَنْ يُنَزَّلَ عَلَيْكُمْ مِنْ خَيْرٍ مِنْ رَبِّكُمْ ۗ وَاللَّهُ يَخْتَصُّ بِرَحْمَتِهِ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَاللَّهُ ذُو الْفَضْلِ الْعَظِيمِ 105
Pagsasalin:
Hindi nag-aasam ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan ni ang mga tagapagtambal na may ibaba sa inyo na anumang mabuti mula sa Panginoon ninyo. Si Allāh ay nagtatangi ng awa Niya sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay may kabutihang-loob na sukdulan. Al-Baqarah 2:105
Tafsīr:
Hindi iniibig ng mga tagatangging sumampalataya – maging alin man sila: mga May Kasulatan o mga tagapagtambal – na may ibaba sa inyo na alinmang mabuti mula sa Panginoon ninyo, marami man o kaunti, samantalang si Allāh ay nagtatangi ng awa Niya na pagkapropeta, pagkakasi, at pananampalataya, sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Si Allāh ay may-ari ng kabutihang-loob na sukdulan, kaya walang kabutihang nakakamit ng isa sa mga nilikha malibang mula sa Kanya. Bahagi ng kabutihang-loob Niya ang pagpapadala sa Sugo at ang pagpapababa ng kasulatan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 104 Susunod Al-Baqarah • Talata 106