Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 111 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 111 sa 286 • Tagalog


وَقَالُوا لَنْ يَدْخُلَ الْجَنَّةَ إِلَّا مَنْ كَانَ هُودًا أَوْ نَصَارَىٰ ۗ تِلْكَ أَمَانِيُّهُمْ ۗ قُلْ هَاتُوا بُرْهَانَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ 111
Pagsasalin:
Nagsabi sila: “Walang papasok sa Paraiso kundi mga Hudyo o mga Kristiyano.” Iyon ay mga pinakamimithi nila. Sabihin mo: “Magbigay kayo ng patotoo ninyo kung kayo ay mga tapat.” Al-Baqarah 2:111
Tafsīr:
Nagsabi ang bawat pangkat kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano: "Tunay na ang Paraiso ay natatangi sa amin." Nagsabi ang mga Hudyo: "Walang papasok doon kundi ang sinumang Hudyo." Nagsabi ang mga Kristiyano: "Walang papasok doon kundi ang sinumang Kristiyano." Iyon ay mga pinakamimithi nilang bulaan at mga haka-haka nilang tiwali. Sabihin mo, O Propeta, bilang tugon sa kanila: "Magbigay kayo ng katwiran ninyo sa ipinapalagay ninyo kung totoong kayo ay mga tapat sa pinagsasabi ninyo."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 110 Susunod Al-Baqarah • Talata 112