Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 113 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 113 sa 286 • Tagalog


وَقَالَتِ الْيَهُودُ لَيْسَتِ النَّصَارَىٰ عَلَىٰ شَيْءٍ وَقَالَتِ النَّصَارَىٰ لَيْسَتِ الْيَهُودُ عَلَىٰ شَيْءٍ وَهُمْ يَتْلُونَ الْكِتَابَ ۗ كَذَٰلِكَ قَالَ الَّذِينَ لَا يَعْلَمُونَ مِثْلَ قَوْلِهِمْ ۚ فَاللَّهُ يَحْكُمُ بَيْنَهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ فِيمَا كَانُوا فِيهِ يَخْتَلِفُونَ 113
Pagsasalin:
Nagsabi ang mga Hudyo: “Ang mga Kristiyano ay hindi nakabatay sa anuman,” at nagsabi ang mga Kristiyano: “Ang mga Hudyo ay hindi nakabatay sa anuman,” samantalang sila ay nagbabasa ng Kasulatan. Gayon nagsabi ang mga hindi nakaaalam ng tulad ng sabi nila. Kaya si Allāh ay hahatol sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon hinggil sa anumang sila noon hinggil doon ay nagkakaiba-iba. Al-Baqarah 2:113
Tafsīr:
Nagsabi ang mga Hudyo: "Ang mga Kristiyano ay hindi nasa isang tumpak na relihiyon" at nagsabi ang mga Kristiyano: "Ang mga Hudyo ay hindi nasa isang tumpak na relihiyon." Bawat isa [sa kanila] ay bumibigkas ng pagpapatotoo sa tinanggihang sampalatayanan at ng utos ng pagsampalataya sa lahat ng mga propeta nang walang pagtatangi-tangi, habang mga nakikiwangis sa gawain nilang ito sa sabi ng mga hindi nakaaalam kabilang sa mga tagapagtambal, nang nagpasinungaling ang mga ito sa mga sugo sa kabuuan ng mga iyon at sa pinababa sa mga iyon na mga kasulatan. Kaya dahil dito, hahatol si Allāh sa pagitan ng mga nagkakasalungatan nang magkasama sa Araw ng Pagbangon ayon sa kahatulan Niyang makatarungan, na ipinabatid Niya sa mga lingkod Niya: na walang pagtamo malibang sa pamamagitan ng pagsampalataya sa lahat ng pinababa ni Allāh – pagkataas-taas Siya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 112 Susunod Al-Baqarah • Talata 114