Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 115 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 115 sa 286 • Tagalog


وَلِلَّهِ الْمَشْرِقُ وَالْمَغْرِبُ ۚ فَأَيْنَمَا تُوَلُّوا فَثَمَّ وَجْهُ اللَّهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ وَاسِعٌ عَلِيمٌ 115
Pagsasalin:
Sa kay Allāh ang silangan at ang kanluran kaya saanman kayo humarap ay naroon ang Mukha ni Allāh. Tunay na si Allāh ay Malawak, Maalam. Al-Baqarah 2:115
Tafsīr:
Kay Allāh ang pagmamay-ari ng silangan, ng kanluran, at ng anumang nasa pagitan ng dalawang ito. Nag-uutos Siya sa mga lingkod Niya ng anumang niloob Niya. Kaya saanman kayo bumabaling, tunay na kayo ay humaharap kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sapagkat tunay na ang lagay ninyo sa pagharap sa Jerusalem o Ka`bah o kung nagkamali kayo sa qiblah o humirap sa inyo ang pagharap doon ay walang masama para sa inyo dahil ang mga dako sa kabuuan ng mga ito ay sa kay Allāh – pagkataas-taas Siya. Tunay na si Allāh ay Malawak na nakasasakop sa nilikha Niya sa awa Niya at pagpapadali Niya sa kanila, Maalam sa mga layunin nila at mga gawain nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 114 Susunod Al-Baqarah • Talata 116