Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 118 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 118 sa 286 • Tagalog


وَقَالَ الَّذِينَ لَا يَعْلَمُونَ لَوْلَا يُكَلِّمُنَا اللَّهُ أَوْ تَأْتِينَا آيَةٌ ۗ كَذَٰلِكَ قَالَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ مِثْلَ قَوْلِهِمْ ۘ تَشَابَهَتْ قُلُوبُهُمْ ۗ قَدْ بَيَّنَّا الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يُوقِنُونَ 118
Pagsasalin:
Nagsabi ang mga hindi nakaaalam: “Bakit kasi hindi kumakausap sa atin si Allāh o may pumupunta sa atin na isang tanda? Gayon nagsabi ang mga bago pa nila ng tulad ng sabi nila. Nagkawangisan ang mga puso nila. Naglinaw na Kami ng mga tanda para sa mga taong nakatitiyak [sa katotohanan]. Al-Baqarah 2:118
Tafsīr:
Nagsabi ang mga hindi nakaaalam kabilang sa mga May Kasulatan at mga tagapagtambal dala ng pagmamatigas sa katotohanan: "Bakit hindi kumakausap sa atin si Allāh nang walang isang tagapagpagitna o may pumupunta sa atin na isang palatandaang pisikal na natatangi sa atin?" Ang tulad sa sabi nilang ito ay sinabi ng mga kalipunang tagapagpasinungaling, bago pa niyan, sa mga sugo ng mga ito, kahit pa man nagkaiba-iba ang mga panahon nila at ang mga pook nila. Nagkawangisan ang mga puso ng mga ito sa mga puso ng mga nauna sa kanila sa kawalang-pananampalataya, pagmamatigas, at pagpapakapalalo. Nagpalinaw nga Kami ng mga tanda para sa mga taong nakatitiyak sa katotohanan. Kapag lumitaw ito sa kanila ay walang dumadapo sa kanila na isang pagdududa at walang pumipigil sa kanila na isang pagmamatigas.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 117 Susunod Al-Baqarah • Talata 119