Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 123 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 123 sa 286 • Tagalog


وَاتَّقُوا يَوْمًا لَا تَجْزِي نَفْسٌ عَنْ نَفْسٍ شَيْئًا وَلَا يُقْبَلُ مِنْهَا عَدْلٌ وَلَا تَنْفَعُهَا شَفَاعَةٌ وَلَا هُمْ يُنْصَرُونَ 123
Pagsasalin:
Mangilag kayo sa isang Araw na hindi makasasapat ang isang kaluluwa para sa isang kaluluwa sa anuman, ni tatanggap mula sa kanya ng isang panumbas, ni magpapakinabang sa kanya ang isang pamamagitan, ni sila ay iaadya. Al-Baqarah 2:123
Tafsīr:
Maglagay kayo sa pagitan ninyo at ng pagdurusa sa Araw ng Pagkabuhay ng isang pananggalang sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos ni Allāh at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sapagkat tunay na sa araw na iyon ay hindi makapagdudulot – sa araw na iyon – ang isang kaluluwa para sa isang kaluluwa ng anuman, ni tatanggap mula rito sa araw na iyon ng alinmang pagtutubos maging gaano man kabigat ito, ni magpapakinabang dito sa araw na iyon ang isang pamamagitan mula sa isa pa maging gaano man kataas ang kalagayan niyon. Wala itong isang mapag-adyang mag-aadya rito, bukod pa kay Allāh.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 122 Susunod Al-Baqarah • Talata 124