Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 146 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 146 sa 286 • Tagalog


الَّذِينَ آتَيْنَاهُمُ الْكِتَابَ يَعْرِفُونَهُ كَمَا يَعْرِفُونَ أَبْنَاءَهُمْ ۖ وَإِنَّ فَرِيقًا مِنْهُمْ لَيَكْتُمُونَ الْحَقَّ وَهُمْ يَعْلَمُونَ 146
Pagsasalin:
Ang mga binigyan Namin ng kasulatan ay nakakikilala rito gaya ng pagkakilala nila sa mga anak nila. Tunay na may isang pangkat kabilang sa kanila na talagang nagkukubli sa katotohanan habang sila ay nakaaalam. Al-Baqarah 2:146
Tafsīr:
Ang mga binigyan Namin ng kasulatan kabilang sa mga maalam ng mga Hudyo at mga Kristiyano ay nakakikilala sa usapin ng paglipat ng qiblah, na kabilang sa mga palatandaan ng pagkapropeta ni Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – sa ganang kanila, kung papaanong nakakikilala sila sa mga anak nila at nakababatid sa mga ito sa iba pa sa mga ito. Sa kabila niyon, tunay na may isang pangkatin kabilang sa kanila na talagang nagkukubli sa katotohanang inihatid niya dala ng pagkainggit mula sa ganang mga sarili nila. Gumagawa sila niyon habang sila ay nakaaalam na iyon ay ang katotohanan
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 145 Susunod Al-Baqarah • Talata 147