Ngunit ang sinumang nangamba sa isang tagapagsatagubilin ng isang kalisyaan o isang kasalanan, saka nagsaayos sa pagitan nila, ay walang pagkakasala sa kanya. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. Al-Baqarah 2:182 ⧉
Tafsīr:
Ngunit ang sinumang nakaalam mula sa may-ari ng tagubilin ng isang pagkiling palayo sa katotohanan o isang pang-aapi sa tagubilin saka nagsaayos siya sa itiniwali ng tagapagsatagubilin sa pamamagitan ng pagpapayo rito at nagsaayos sa pagitan ng mga nagkakaiba-iba sa tagubilin, walang kasalanan sa kanya roon, bagkus siya ay pabubuyaan sa pagsasaayos niya. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbabalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.