Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 186 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 186 sa 286 • Tagalog


وَإِذَا سَأَلَكَ عِبَادِي عَنِّي فَإِنِّي قَرِيبٌ ۖ أُجِيبُ دَعْوَةَ الدَّاعِ إِذَا دَعَانِ ۖ فَلْيَسْتَجِيبُوا لِي وَلْيُؤْمِنُوا بِي لَعَلَّهُمْ يَرْشُدُونَ 186
Pagsasalin:
Kapag nagtanong sa iyo ang mga lingkod Ko tungkol sa Akin, tunay na Ako ay malapit: sumasagot Ako sa panalangin ng dumadalangin kapag dumalangin siya sa Akin kaya tumugon sila sa Akin at sumampalataya sila sa Akin, nang sa gayon sila ay magagabayan. Al-Baqarah 2:186
Tafsīr:
Kapag nagtanong sa iyo, O Propeta, ang mga lingkod Ko tungkol sa lapit Ko at pagsagot Ko sa panalangin nila, tunay na Ako ay malapit sa kanila, na nakaaalam sa mga kalagayan nila, na nakaririnig sa panalangin nila, kaya hindi sila mangangailangan ng mga tagapagpagitna ni ng pagtataas ng mga tinig nila. Tumutugon Ako sa panalangin ng dumadalangin kapag dumalangin siya sa Akin na nagpapakawagas sa panalangin niya. Kaya magpaakay sila sa Akin at sa mga utos Ko at magpakatatag sila sa pananampalataya nila sapagkat tunay na iyon ay ang pinakakapaki-pakinabang na paraan para sa pagsagot Ko, nang sa gayon sila ay tatahak sa pamamagitan niyon sa landas ng katinuan sa mga kapakanan nilang panrelihiyon at pangmundo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 185 Susunod Al-Baqarah • Talata 187