Huwag kayong kumain ng mga yaman ng iba sa inyo sa pagitan ninyo sa kabulaanan, o mag-abot kayo ng mga ito sa mga namamahala upang makakain kayo ng isang pangkat mula sa mga yaman ng mga tao sa kasalanan samantalang kayo ay nakaaalam. Al-Baqarah 2:188 ⧉
Tafsīr:
Huwag kumuha ang iba sa inyo ng yaman ng iba pa sa inyo sa paraang hindi isinabatas gaya ng pagnanakaw, pangangamkam, at pandaraya. Huwag kayong makipag-alitan hinggil sa mga ito sa mga namamahala upang makakuha kayo ng isang pangkatin mula sa mga yaman ng mga tao habang mga nasasangkot sa pagsuway samantalang kayo ay nakaaalam na si Allāh ay nagbawal niyon sapagkat ang paglalakas-loob sa pagkakasala kalakip ng kaalaman ng pagbabawal rito ay higit na matindi sa kapangitan at higit na mabigat sa kaparusahan.