Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 19 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 19 sa 286 • Tagalog


أَوْ كَصَيِّبٍ مِنَ السَّمَاءِ فِيهِ ظُلُمَاتٌ وَرَعْدٌ وَبَرْقٌ يَجْعَلُونَ أَصَابِعَهُمْ فِي آذَانِهِمْ مِنَ الصَّوَاعِقِ حَذَرَ الْمَوْتِ ۚ وَاللَّهُ مُحِيطٌ بِالْكَافِرِينَ 19
Pagsasalin:
O gaya ng isang unos mula sa langit, na sa loob nito ay mga kadiliman, kulog, at kidlat. Naglalagay sila ng mga daliri nila sa mga tainga nila dahil sa mga lintik dala ng hilakbot sa kamatayan. Si Allāh ay Tagapaligid sa mga tagatangging sumampalataya. Al-Baqarah 2:19
Tafsīr:
Tungkol naman sa pantubig na paghahalintulad sa kanila, sila ay katulad ng masaganang ulan mula sa mga ulap na sa loob nito ay may mga kadilimang nagkakapatung-patong, kulog, at kidlat. Bumaba ito sa mga tao at tinatamaan sila ng isang matinding pangingilabot kaya nagsimula silang magpasak sa mga tainga nila ng mga dulo ng mga daliri nila dahil sa tindi ng tunog ng mga lintik dala ng pangamba sa kamatayan. Si Allāh ay Tagasaklaw sa mga tagatangging sumampalataya; hindi sila nagpapawalang-kakayahan sa Kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 18 Susunod Al-Baqarah • Talata 20