Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 204 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 204 sa 286 • Tagalog


وَمِنَ النَّاسِ مَنْ يُعْجِبُكَ قَوْلُهُ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَيُشْهِدُ اللَّهَ عَلَىٰ مَا فِي قَلْبِهِ وَهُوَ أَلَدُّ الْخِصَامِ 204
Pagsasalin:
Mayroon sa mga tao na nagpapahanga sa iyo ang sabi niya hinggil sa buhay na pangmundo at nagpapasaksi siya kay Allāh sa nasa puso niya samantalang siya ay pinakapalaban sa mga kaalitan. Al-Baqarah 2:204
Tafsīr:
Mayroon sa mga tao na mapagpaimbabaw na nagpapahanga sa iyo, O Propeta, ang pananalita niya hinggil sa Mundong ito, kaya nakikita mong siya ay maganda ang pananalita hanggang sa talagang maniniwala ka sa katapatan niya at pagpapayo niya ngunit ang pakay niya lamang ay mangalaga sa sarili niya at yaman niya. Nagpapasaksi siya kay Allāh – gayong siya ay sinungaling – sa nasa puso niya na pananampalataya at kabutihan samantalang siya ay matindi ang pakikipag-alitan at ang pangangaway sa mga Muslim.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 203 Susunod Al-Baqarah • Talata 205