Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 226 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 226 sa 286 • Tagalog


لِلَّذِينَ يُؤْلُونَ مِنْ نِسَائِهِمْ تَرَبُّصُ أَرْبَعَةِ أَشْهُرٍ ۖ فَإِنْ فَاءُوا فَإِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ 226
Pagsasalin:
Ukol sa mga nanunumpang tatangging makipagtalik sa mga maybahay nila ay pag-antabay ng apat na buwan; ngunit kung bumalik sila [sa dati], tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. Al-Baqarah 2:226
Tafsīr:
Ukol sa mga nanunumpa ng pagtigil sa pakikipagtalik sa mga maybahay nila ay paghihintay sa isang yugtong hindi lalabis sa apat na buwan magmula ng panunumpa nila. Ito ay ang kilala sa tawag na īlā'. Ngunit kung bumalik sila sa pakikipagtalik sa mga maybahay nila matapos ng panunumpa nila ng pagtigil doon sa yugto ng apat na buwan o mababa pa, tunay na si Allāh ay Mapagpatawad: nagpapatawad sa kanila sa nangyari sa kanila, Maawain sa kanila yayamang nagsabatas Siya ng bayad-sala na nagpapalabas mula sa panunumpang ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 225 Susunod Al-Baqarah • Talata 227