Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 228 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 228 sa 286 • Tagalog


وَالْمُطَلَّقَاتُ يَتَرَبَّصْنَ بِأَنْفُسِهِنَّ ثَلَاثَةَ قُرُوءٍ ۚ وَلَا يَحِلُّ لَهُنَّ أَنْ يَكْتُمْنَ مَا خَلَقَ اللَّهُ فِي أَرْحَامِهِنَّ إِنْ كُنَّ يُؤْمِنَّ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ ۚ وَبُعُولَتُهُنَّ أَحَقُّ بِرَدِّهِنَّ فِي ذَٰلِكَ إِنْ أَرَادُوا إِصْلَاحًا ۚ وَلَهُنَّ مِثْلُ الَّذِي عَلَيْهِنَّ بِالْمَعْرُوفِ ۚ وَلِلرِّجَالِ عَلَيْهِنَّ دَرَجَةٌ ۗ وَاللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ 228
Pagsasalin:
Ang mga babaing diniborsiyo ay mag-aantabay sa mga sarili nila ng tatlong buwanang dalaw. Hindi ipinahihintulot sa kanila na ikubli nila ang nilikha ni Allāh sa mga sinapupunan nila, kung sila ay sumasampalataya kay Allāh at sa Kabilang-buhay. Ang mga asawa nila ay higit na karapat-dapat sa pagbawi sa kanila sa [panahong] iyon kung nagnais ang mga ito ng isang pagsasaayos. Ukol sa kanila ang tulad ng tungkulin sa kanila ayon sa nakabubuti. Ukol sa mga lalaki sa tungkulin sa kanila ay isang antas [higit sa tungkulin nila]. Si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong. Al-Baqarah 2:228
Tafsīr:
Ang mga babaing diniborsiyo ay maghihintay sa mga sarili nila ng tatlong regla, na hindi sila mag-aasawa sa panahon ng mga ito. Hindi ipinahihintulot sa kanila na magkubli sila ng nilikha ni Allāh sa mga sinapupunan nila dala ng pagbubuntis, kung sila ay mga tapat sa pagsampalataya kay Allāh at sa Kabilang-buhay. Ang mga asawa nilang nagdiborsiyo sa kanila ay higit na karapat-dapat sa pakikipagbalikan sa kanila sa yugto ng paghihintay kung naglayon ang mga ito ng pakikipagbalikan, pagpapalagayang-loob, at pag-aalis ng nangyari dahilan sa diborsiyo. May ukol sa mga maybahay na mga karapatan at mga tungkulin tulad ng sa mga asawa nila sa kanila ayon sa nakagawian ng mga tao. May ukol sa mga lalaki na isang antas na higit na mataas sa kanila gaya ng pag-aaruga at pag-uutos ng diborsiyo. Si Allāh ay Makapangyarihan: walang nakadadaig sa Kanya na anuman, Marunong sa batas Niya at pangangasiwa Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 227 Susunod Al-Baqarah • Talata 229