Ang mga papapanawin kabilang sa inyo at mag-iiwan ng mga maybahay, mag-aantabay ang mga ito sa mga sarili ng mga ito nang apat na buwan at sampung [araw kung hindi nagdadalang-tao]. Kapag umabot ang mga ito sa taning ng mga ito ay walang maisisisi sa inyo sa anumang ginawa ng mga ito sa mga sarili ng mga ito ayon sa nakabubuti. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid. Al-Baqarah 2:234 ⧉
Tafsīr:
Ang mga mamamatay at mag-iiwan sa pagkamatay nila ng mga maybahay na hindi mga buntis ay maghihintay ang mga maybahay sa mga sarili ng mga ito bilang tungkulin ng yugtong apat na buwan at sampung araw, habang nagpipigil sa panahong iyon sa paglabas mula sa bahay ng asawa, sa paggayak, at sa pag-aasawa. Kapag nagwakas ang yugtong ito, walang kasalanan sa inyo, O mga tagatangkilik, sa anumang ginawa nila sa mga sarili nila na dating ipinagbabawal sa kanila sa yugtong iyon, ayon sa paraang nakabubuti batay sa batas at kaugalian. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa inilalantad ninyo at inililingid ninyo. Gaganti Siya sa inyo roon.