Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 236 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 236 sa 286 • Tagalog


لَا جُنَاحَ عَلَيْكُمْ إِنْ طَلَّقْتُمُ النِّسَاءَ مَا لَمْ تَمَسُّوهُنَّ أَوْ تَفْرِضُوا لَهُنَّ فَرِيضَةً ۚ وَمَتِّعُوهُنَّ عَلَى الْمُوسِعِ قَدَرُهُ وَعَلَى الْمُقْتِرِ قَدَرُهُ مَتَاعًا بِالْمَعْرُوفِ ۖ حَقًّا عَلَى الْمُحْسِنِينَ 236
Pagsasalin:
Wala maisisisi sa inyo kung nagdiborsiyo kayo sa mga maybahay hanggat hindi pa kayo sumaling sa kanila o hindi pa kayo nagtakda para sa kanila ng isang tungkuling [bigay-kaya]. Magpatamasa kayo sa kanila – sa nakaluluwag ayon sa kakayahan niya at sa naghihikahos ayon sa kakayahan niya – ng isang pampalubag-loob ayon sa nakabubuti bilang tungkulin sa mga tagagawa ng maganda. Al-Baqarah 2:236
Tafsīr:
Walang kasalanan sa inyo kung nagdiborsiyo kayo ng mga maybahay ninyong pinakasalan ninyo, bago kayo nakipagtalik sa kanila at bago kayo nag-obliga ng isang bigay-kayang tinakdaan para sa kanila. Kaya kapag nagdiborsiyo kayo sa kanila sa kalagayang ito, hindi nagsasatungkulin sa inyo para sa kanila ng isang bigay-kaya (mahr). Nagsasatungkulin lamang ng pagbibigay sa kanila ng isang bagay na tatamasain nila at aaliw sa pagkawasak ng mga puso nila, alinsunod sa kakayahan maging siya man ay isang nakaluluwag na marami ang salapi o isang naghihikahos na kaunti ang salapi. Ang pagbibigay na ito ay isang tungkuling pinagtibay sa mga tagagawa ng maganda sa mga gawain nila at mga pakikitungo nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 235 Susunod Al-Baqarah • Talata 237