Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 250 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 250 sa 286 • Tagalog


وَلَمَّا بَرَزُوا لِجَالُوتَ وَجُنُودِهِ قَالُوا رَبَّنَا أَفْرِغْ عَلَيْنَا صَبْرًا وَثَبِّتْ أَقْدَامَنَا وَانْصُرْنَا عَلَى الْقَوْمِ الْكَافِرِينَ 250
Pagsasalin:
Nang tumambad sila kina Goliat at mga hukbo nito ay nagsabi sila: “Panginoon namin, magbuhos Ka sa amin ng pagtitiis, magpatatag Ka ng mga paa namin, at mag-adya Ka sa amin laban sa mga taong tagatangging sumampalataya.” Al-Baqarah 2:250
Tafsīr:
Nang lumisan sila, habang mga lumalantad kina Goliat at mga hukbo nito, ay nagtuon sila kay Allāh ng panalangin, na mga nagsasabi: "Panginoon namin, magbuhos Ka sa mga puso namin ng pagtitiis, magpatatag Ka ng mga paa namin upang hindi kami tumakas at hindi kami matalo sa harapan ng kaaway namin, at mag-adya Ka sa amin sa pamamagitan ng lakas Mo at pag-alalay Mo laban sa mga taong tagatangging sumampalataya."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 249 Susunod Al-Baqarah • Talata 251