Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 266 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 266 sa 286 • Tagalog


أَيَوَدُّ أَحَدُكُمْ أَنْ تَكُونَ لَهُ جَنَّةٌ مِنْ نَخِيلٍ وَأَعْنَابٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ لَهُ فِيهَا مِنْ كُلِّ الثَّمَرَاتِ وَأَصَابَهُ الْكِبَرُ وَلَهُ ذُرِّيَّةٌ ضُعَفَاءُ فَأَصَابَهَا إِعْصَارٌ فِيهِ نَارٌ فَاحْتَرَقَتْ ۗ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمُ الْآيَاتِ لَعَلَّكُمْ تَتَفَكَّرُونَ 266
Pagsasalin:
Nag-aasam ba ang isa sa inyo na magkaroon siya ng isang hardin ng datiles at mga ubas, na dumadaloy mula sa ilalim nito ang mga ilog, na nagkaroon siya sa loob nito ng lahat ng mga bunga, at tumama sa kanya ang katandaan habang mayroon siyang mga supling na mahihina, saka may tumama roon na isang buhawi na sa loob nito ay may apoy kaya nasunog iyon? Gayon naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga tanda, nang sa gayon kayo ay mag-iisip-isip. Al-Baqarah 2:266
Tafsīr:
Pakaiibigin ba ng isa sa inyo na magkaroon siya ng isang pataniman na sa loob nito ay may datiles at ubas, na dumadaloy sa gitna nito ang mga tubig tabang, na nagkaroon siya sa loob nito ng lahat ng mga uri ng mga bungang kaaya-aya? Tumama sa may-ari nito ang katandaan kaya siya ay naging isang matandang hindi nakakakayang magtrabaho at kumita habang mayroon siyang mga anak na mahihina na hindi nakakakayang magtrabaho, at saka naman may tumama sa hardin na isang hanging matindi na sa loob nito ay may apoy na matindi kaya nasunog ang hardin sa kabuuan nito samantalang siya ay higit na nangangailangan doon dahil sa katandaan niya at kahinaan ng mga supling niya! Ang kalagayan ng gumugugol ng yaman niya bilang pakitang-tao ay tulad ng lalaking ito: dudulog ito kay Allāh sa Araw ng Pagkabuhay nang walang mga magandang gawa, sa sandaling siya ay higit na matindi sa pangangailangan sa mga ito. Tulad ng paglilinaw na ito naglilinaw si Allāh para sa inyo ng magpapakinabang sa inyo sa Mundo at Kabilang-buhay, nang sa gayon kayo ay mag-iisip-isip hinggil dito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 265 Susunod Al-Baqarah • Talata 267