Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 270 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 270 sa 286 • Tagalog


وَمَا أَنْفَقْتُمْ مِنْ نَفَقَةٍ أَوْ نَذَرْتُمْ مِنْ نَذْرٍ فَإِنَّ اللَّهَ يَعْلَمُهُ ۗ وَمَا لِلظَّالِمِينَ مِنْ أَنْصَارٍ 270
Pagsasalin:
Ang anumang ginugol ninyo na gugulin o ipinanata ninyo na panata, tunay na si Allāh ay nakaaalam nito. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na anumang mga tagaadya. Al-Baqarah 2:270
Tafsīr:
Ang anumang ginugol ninyo na guguling kaunti man o marami sa paghahangad ng kaluguran ni Allāh o pinanindigan ninyo na paggawa ng pagtalima para kay Allāh mula sa ganang sarili ninyo na hindi naman inaatang sa inyo, tunay na si Allāh ay nakaaalam niyon sa kabuuan niyon, kaya walang nawawala sa ganang Kanya na anuman doon. Gaganti Siya sa inyo dahil doon ng pinakamabigat na ganti. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan, na mga pumipigil sa isinasatungkulin sa kanila, na mga lumalabag sa mga hangganan ni Allāh, na mga tagaadya na magtatanggol sa kanila sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 269 Susunod Al-Baqarah • Talata 271