Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 272 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 272 sa 286 • Tagalog


لَيْسَ عَلَيْكَ هُدَاهُمْ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ يَهْدِي مَنْ يَشَاءُ ۗ وَمَا تُنْفِقُوا مِنْ خَيْرٍ فَلِأَنْفُسِكُمْ ۚ وَمَا تُنْفِقُونَ إِلَّا ابْتِغَاءَ وَجْهِ اللَّهِ ۚ وَمَا تُنْفِقُوا مِنْ خَيْرٍ يُوَفَّ إِلَيْكُمْ وَأَنْتُمْ لَا تُظْلَمُونَ 272
Pagsasalin:
Hindi nasa iyo ang pagpatnubay sa kanila, subalit si Allāh ay nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Ang anumang ginugugol ninyo na kabutihan ay ukol sa mga sarili ninyo. Hindi kayo gumugugol malibang sa paghahangad [ng ikalulugod] ng mukha ni Allāh. Ang anumang ginugugol ninyo na kabutihan ay lulubus-lubusin tungo sa inyo [ang kabayaran] at kayo ay hindi lalabagin sa katarungan. Al-Baqarah 2:272
Tafsīr:
Hindi nasa iyo, O Propeta, ang kapatnubayan nila para sa pagtanggap sa katotohanan at pagpapaakay rito, at pagdala sa kanila rito. Ang isinasatungkulin lamang sa iyo ay ang paggabay sa kanila sa katotohanan at ang pagpapakilala sa kanila rito. Tunay na ang pagtutuon sa katotohanan at ang kapatnubayan tungo rito ay nasa kamay ni Allāh. Siya ay nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Ang anumang ginugugol ninyo na kabutihan, ang pakinabang nito ay manunumbalik sa inyo dahil si Allāh ay Walang-pangangailangan dito. Ang paggugol ninyo ay maging wagas na inuukol kay Allāh sapagkat ang mananampalataya, sa totoo, ay hindi gumugugol malibang dala ng paghahanap ng kaluguran ni Allāh. Ang anumang ginugugol ninyo na kabutihan, kaunti man o marami, tunay na kayo ay bibigyan ng gantimpala rito nang lubos na hindi kinukulangan sapagkat tunay na si Allāh ay hindi lumalabag sa katarungan sa isa man.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 271 Susunod Al-Baqarah • Talata 273