Sumampalataya ang Sugo sa anumang pinababa sa kanya [mula sa Qur’ān] mula sa Panginoon niya at ang mga mananampalataya [ay gayon din]. Bawat [isa] ay sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, at sa mga sugo Niya. [Sinabi:] “Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa man sa mga sugo Niya.” Nagsabi sila: “Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan.”
Al-Baqarah 2:285 ⧉