Ang mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga tanda Namin, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili. Al-Baqarah 2:39 ⧉
Tafsīr:
Hinggil naman sa mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga tanda Namin, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy, na hindi lalabas mula roon magpakailanman.