Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 59 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 59 sa 286 • Tagalog


فَبَدَّلَ الَّذِينَ ظَلَمُوا قَوْلًا غَيْرَ الَّذِي قِيلَ لَهُمْ فَأَنْزَلْنَا عَلَى الَّذِينَ ظَلَمُوا رِجْزًا مِنَ السَّمَاءِ بِمَا كَانُوا يَفْسُقُونَ 59
Pagsasalin:
Ngunit nagpalit ang mga lumabag sa katarungan ng isang sabing iba sa sinabi sa kanila, kaya nagpababa Kami sa mga lumabag sa katarungan ng isang pasakit mula sa langit dahil sila noon ay nagpapakasuwail. Al-Baqarah 2:59
Tafsīr:
Ngunit walang nangyari sa mga lumabag sa katarungan kabilang sa kanila kundi nagpalit sila ng gawain at pumilipit sila ng sabi, kaya pumasok sila na gumagapang sa mga likod nila. Nagsabi sila: "Butil sa isang hiblang buhok," habang mga nanunuya sa utos ni Allāh – pagkataas-taas Siya. Kaya ang ganti ay na nagpababa si Allāh sa mga tagalabag sa katarungan kabilang sa kanila ng isang parusa mula sa langit dahilan sa paglabas nila sa hangganan ng Batas ng Islām at paglabag nila sa utos.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 58 Susunod Al-Baqarah • Talata 60