Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 62 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 62 sa 286 • Tagalog


إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَالَّذِينَ هَادُوا وَالنَّصَارَىٰ وَالصَّابِئِينَ مَنْ آمَنَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَعَمِلَ صَالِحًا فَلَهُمْ أَجْرُهُمْ عِنْدَ رَبِّهِمْ وَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ 62
Pagsasalin:
Tunay na ang mga sumampalataya [bago ni Propeta Muḥammad], ang mga nagpaka-Hudyo, ang mga Kristiyano, at ang mga Sabeano – ang sinumang sumampalataya kay Allāh at sa Huling Araw at gumawa ng maayos – ay ukol sa kanila ang pabuya nila sa ganang Panginoon nila, at walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot. Al-Baqarah 2:62
Tafsīr:
Tunay na ang sinumang sumampalataya kabilang sa Kalipunang ito, at gayon din ang sinumang sumampalataya kabilang sa mga kalipunang nagdaan bago ng pagpapadala kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – kabilang sa mga Hudyo, mga Kristiyano, at mga Sabeano na isang pangkat ng mga tagasunod ng ilan sa mga propeta – ang sinumang nagkatotoo sa kanila ang pananampalataya kay Allāh at sa Kabilang-buhay – ay ukol sa kanila ang gantimpala nila sa ganang Panginoon nila. Walang pangamba sa kanila sa kahaharapin nila sa Kabilang-buhay at hindi sila malulungkot sa anumang nakaalpas sa kanila sa Mundo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 61 Susunod Al-Baqarah • Talata 63