Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 69 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 69 sa 286 • Tagalog


قَالُوا ادْعُ لَنَا رَبَّكَ يُبَيِّنْ لَنَا مَا لَوْنُهَا ۚ قَالَ إِنَّهُ يَقُولُ إِنَّهَا بَقَرَةٌ صَفْرَاءُ فَاقِعٌ لَوْنُهَا تَسُرُّ النَّاظِرِينَ 69
Pagsasalin:
Nagsabi sila: “Dumalangin ka para sa amin sa Panginoon mo, magpapalinaw Siya para sa amin kung ano ang kulay nito.” Nagsabi siya: “Tunay na Siya ay nagsasabi na tunay na ito ay isang baka na dilaw na matingkad ang kulay nito, na nakagagalak sa mga tumitingin.” Al-Baqarah 2:69
Tafsīr:
Ngunit nagpatuloy sila sa pakikipagtalo nila at pang-iinis nila, na mga nagsasabi kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Dumalangin ka sa Panginoon mo upang magpalinaw Siya sa amin kung ano ang kulay nito." Kaya nagsabi sa kanila si Moises: "Tunay na si Allāh ay nagsasabing tunay na ito ay isang bakang dilaw na matindi ang kadilawan, na nagpapahanga sa bawat tumitingin dito."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 68 Susunod Al-Baqarah • Talata 70