Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 71 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 71 sa 286 • Tagalog


قَالَ إِنَّهُ يَقُولُ إِنَّهَا بَقَرَةٌ لَا ذَلُولٌ تُثِيرُ الْأَرْضَ وَلَا تَسْقِي الْحَرْثَ مُسَلَّمَةٌ لَا شِيَةَ فِيهَا ۚ قَالُوا الْآنَ جِئْتَ بِالْحَقِّ ۚ فَذَبَحُوهَا وَمَا كَادُوا يَفْعَلُونَ 71
Pagsasalin:
Nagsabi siya: “Tunay na Siya ay nagsasabing tunay na ito ay isang baka, na hindi maamo na nagbubungkal ng lupa at hindi nagpapatubig ng taniman, na binusilak na walang batik dito.” Nagsabi sila: “Ngayon ay naghatid ka ng katotohanan.” Kaya kinatay nila ito at hindi nila halos nagawa. Al-Baqarah 2:71
Tafsīr:
Kaya nagsabi sa kanila si Moises: "Tunay na si Allāh ay nagsasabing tunay na ang katangian ng bakang ito ay na ito ay hindi pinaamo sa pagtatrabaho sa pagbubungkal, ni sa pagpapatubig ng lupa. Ito ay ligtas sa mga kapintasan. Wala ritong palatandaan mula sa ibang kulay na iba pa sa kulay nitong dilaw." Sa sandaling iyon ay nagsabi sila: "Ngayon ay naghatid ka ng paglalarawang tumpak na tumutukoy sa baka nang lubusan." Kinatay nila ito matapos na muntik silang hindi nakakatay nito dahilan sa pakikipagtalo at pang-iinis.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 70 Susunod Al-Baqarah • Talata 72