Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 97 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 97 sa 286 • Tagalog


قُلْ مَنْ كَانَ عَدُوًّا لِجِبْرِيلَ فَإِنَّهُ نَزَّلَهُ عَلَىٰ قَلْبِكَ بِإِذْنِ اللَّهِ مُصَدِّقًا لِمَا بَيْنَ يَدَيْهِ وَهُدًى وَبُشْرَىٰ لِلْمُؤْمِنِينَ 97
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Ang sinumang naging isang kaaway para kay [Anghel] Gabriel, tunay na siya ay nagbaba nitong [Qur’ān] sa puso mo [O Propeta Muḥammad] ayon sa pahintulot ni Allāh, bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito, bilang patnubay, at bilang balitang nakagagalak para sa mga mananampalataya.” Al-Baqarah 2:97
Tafsīr:
Sabihin mo, O Propeta, sa sinumang nagsabi kabilang sa mga Hudyo: "Tunay na si Gabriel ay kaaway namin kabilang sa mga anghel." Ang sinumang naging isang nangangaway para kay Gabriel, tunay na siya ay nagbaba sa Qur'ān sa puso mo ayon sa isang pahintulot mula kay Allāh, bilang tagapagpatotoo para sa nauna na mga kasulatang makadiyos gaya ng Torah at Ebanghelyo, bilang tagagabay sa kabutihan, at bilang tagapagbalita ng nakagagalak para sa mga mánanampalataya hinggil sa inihanda ni Allāh sa kanila na kaginhawahan. Ang sinumang naging isang nangangaway sa sinumang ito ang katangian niyon at ang gawain niyon, siya ay kabilang sa mga naliligaw.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 96 Susunod Al-Baqarah • Talata 98