Sa Araw na iihip sa tambuli at kakalap Kami sa mga salarin sa Araw na iyon habang [may matang] bughaw [dahil sa mga hilakbot]. Ṭā Hā 20:102 ⧉
Tafsīr:
Sa Araw na iihip ang anghel sa tambuli sa ikalawang pag-ihip para sa pagbubuhay at kakalap Kami sa mga tagatangging sumampalataya sa Araw na iyon habang [may matang] bughaw dahil sa pagbabago ng mga kulay nila at mga mata nila dahil sa tindi ng dinanas nila na mga hilakbot sa Kabilang-buhay.