Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa mga bundok kaya sabihin mo: “Isasabog ang mga ito ng Panginoon ko sa isang pagsasabog. Ṭā Hā 20:105 ⧉
Tafsīr:
Nagtatanong sila sa iyo, O Sugo, tungkol sa kalagayan ng mga bundok sa Araw ng Pagbangon kaya sabihin mo sa kanila: "Ang mga bundok ay bubunutin ng Panginoon ko mula sa mga ugat nito at ikakalat Niya ang mga ito kaya ang mga ito ay magiging alabok.