Sa Araw na iyon susundan nila ang tagapag-anyaya [papunta sa Kalapan para sa pagtutuos] nang walang paglihis sa kanya at magpapakataimtim ang mga tinig para sa Napakamaawain kaya wala kang maririnig kundi isang bulong [ng mga yabag]. Ṭā Hā 20:108 ⧉
Tafsīr:
Sa Araw na iyon susundan ng mga tao ang tinig ng tagapag-anyaya patungo sa Kalapan, nang walang paglihis sa kanila sa pagsunod sa kanya. Tatahimik ang mga tinig para sa Napakamaawain dala ng pangingilabot, kaya wala kang maririnig sa Araw na iyon kundi isang pakubling tinig.