Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ṭā Hā — Talata 115 (Tagalog) — Bidyo

Ṭā Hā • Talata 115 sa 135 • Tagalog


وَلَقَدْ عَهِدْنَا إِلَىٰ آدَمَ مِنْ قَبْلُ فَنَسِيَ وَلَمْ نَجِدْ لَهُ عَزْمًا 115
Pagsasalin:
Talaga ngang naghabilin Kami kay Adan bago pa niyan ngunit nakalimot siya at hindi Kami nakatagpo sa kanya ng pagtitika. Ṭā Hā 20:115
Tafsīr:
Talaga ngang nagtagubilin Kami kay Adan, bago pa niyan, na huwag kumain mula sa [bawal na] punong-kahoy at sumaway Kami sa kanya niyon. Naglinaw Kami sa kanya ng kahihinatnan niyon ngunit nakalimutan niya ang tagubilin. Kumain siya mula sa [bawal na] punong-kahoy at hindi nakatiis doon. Hindi Kami nakakita sa kanya ng lakas ng pagtitika sa pag-iingat sa itinagubilin Namin sa kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ṭā Hā • Talata 114 Susunod Ṭā Hā • Talata 116