Gayon Kami gaganti sa sinumang nagpakalabis at hindi sumampalataya sa mga tanda ng Panginoon niya. Talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na matindi at higit na nananatili. Ṭā Hā 20:127 ⧉
Tafsīr:
Tulad ng ganting ito gaganti Kami sa sinumang nagumon sa mga pagnanasang ipinagbabawal at umayaw sa pananampalataya sa mga patunay na maliwanag mula sa Panginoon niya. Talagang ang pagdurusang dulot ni Allāh sa Kabilang-buhay ay higit na karima-rimarim at higit na malakas kaysa sa pamumuhay na hikahos sa Mundo at Barzakh at higit na nagtatagal.