Tunay na ang Huling Sandali ay darating. Halos ako ay magkubli nito upang gantimpalaan ang bawat kaluluwa sa anumang ipinagpunyagi nito. Ṭā Hā 20:15 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ang Huling Sandali ay darating nang walang pasubali at magaganap. Halos ako ay magkubli nito para hindi malaman ang oras nito ng isang nilikha, subalit makakikilala sila sa mga palatandaan nito sa pamamagitan ng pagpapabatid ng Propeta sa kanila, upang gantihan ang bawat kaluluwa sa anumang ginawa nito na kabutihan man o kasamaan.