Nagsabi Siya: “Kunin mo iyan at huwag kang mangamba; magpapanumbalik Kami riyan sa unang lagay niyan. Ṭā Hā 20:21 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi si Allāh kay Moises – sumakanya ang pangangalaga: "Kunin mo ang tungkod at huwag kang mangamba sa pag-aanyong ahas niyan; magpapanumbalik Kami riyan kapag dinala mo iyan sa unang kalagayan niyan.