Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ṭā Hā — Talata 40 (Tagalog) — Bidyo

Ṭā Hā • Talata 40 sa 135 • Tagalog


إِذْ تَمْشِي أُخْتُكَ فَتَقُولُ هَلْ أَدُلُّكُمْ عَلَىٰ مَنْ يَكْفُلُهُ ۖ فَرَجَعْنَاكَ إِلَىٰ أُمِّكَ كَيْ تَقَرَّ عَيْنُهَا وَلَا تَحْزَنَ ۚ وَقَتَلْتَ نَفْسًا فَنَجَّيْنَاكَ مِنَ الْغَمِّ وَفَتَنَّاكَ فُتُونًا ۚ فَلَبِثْتَ سِنِينَ فِي أَهْلِ مَدْيَنَ ثُمَّ جِئْتَ عَلَىٰ قَدَرٍ يَا مُوسَىٰ 40
Pagsasalin:
[Nagmagandang-loob sa iyo] noong pumunta ang babaing kapatid mo saka nagsabi: “Gagabay po kaya ako sa inyo sa mag-aaruga sa kanya?” Kaya nagpabalik Kami sa iyo sa ina mo upang guminhawa ang mata nito at hindi ito malungkot. Pumatay ka ng isang tao ngunit nagligtas Kami sa iyo mula sa dalamhati at sumubok Kami sa iyo ng isang pagsubok saka namalagi ka ng mga taon sa mga mamamayan ng Madyan. Pagkatapos dumating ka [rito] sa takdang [panahon], O Moises. Ṭā Hā 20:40
Tafsīr:
[Nagmagandang-loob sa iyo] noong lumabas ang babaing kapatid mo, na umuusad sa tuwing umuusad ang baul habang sumusunod doon. Saka nagsabi ito sa nakakuha sa kanya: "Gagabay po kaya ako sa inyo tungo sa mag-iingat sa kanya, magpapasuso sa kanya, at mag-aalaga sa kanya?" Kaya nagmagandang-loob Kami sa iyo sa pagpapabalik sa iyo sa ina mo upang sumaya siya sa pagbabalik mo sa kanya at hindi siya malungkot dahil sa iyo. Nakapatay ka ng koptiko na sinuntok mo ngunit nagmagandang-loob Kami sa iyo sa pagliligtas sa iyo mula sa kaparusahan. Nagligtas Kami sa iyo nang paulit-ulit sa bawat pagsubok na nakaharap mo. Nakalabas ka at namalagi ka ng mga taon sa mga mamayan ng Madyan. Pagkatapos pumunta ka [rito] sa oras na itinakda para sa iyo na pumunta ka rito para sa pakikipag-usap mo, O Moises.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ṭā Hā • Talata 39 Susunod Ṭā Hā • Talata 41