Pumunta ka mismo at ang kapatid mo kalakip ng mga tanda Ko at huwag kayong dalawang lumubay sa pag-alaala sa Akin. Ṭā Hā 20:42 ⧉
Tafsīr:
Pumunta ka mismo, O Moises, at ang kapatid mong si Aaron kalakip ng mga tanda Kong nagpapatunay sa kakayahan Ko at kaisahan Ko. Huwag kayong dalawang manghina sa pag-aanyaya tungo sa Akin at sa pag-alaala sa Akin.