[Siya] ang gumawa para sa inyo ng lupa bilang nakalatag, nagsingit para sa inyo rito ng mga landas, at nagpababa mula sa langit ng tubig.” Kaya nagpalabas sa pamamagitan nito ng mga kaurian ng halamang sarisari. Ṭā Hā 20:53 ⧉
Tafsīr:
Sa ganang Panginoon ko na gumawa para sa inyo ng lupa bilang inilatag para sa pamumuhay sa ibabaw nito, naglagay para sa inyo rito ng mga daang naaangkop para sa paglalakbay rito, at nagpababa mula sa langit ng tubig ng ulan." Kaya nagpalabas Kami sa pamamagitan ng tubig na iyon ng mga uri ng mga halamang magkakaiba-iba.