Nagsabi [si Moises]: “Bagkus pumukol kayo.” Kaya biglang ang mga lubid nila at ang mga tungkod nila ay ginuniguni sa kanya, dahil sa panggagaway nila, na ang mga ito ay sumisibad. Ṭā Hā 20:66 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi si Moises – sumakanya ang pangangalaga: "Bagkus magtapon kayo muna ng taglay ninyo." Kaya nagtapon sila ng taglay nila kaya biglang ang mga lubid nila at ang mga tungkod nila na itinapon nila ay ginuniguni kay Moises, dahil sa panggagaway nila, na ang mga ito ay mga ulupong na kumikilos nang may kabilisan.