Magpukol ka ng nasa kanang kamay mo, lalamon ito sa niyari nila. Tunay na ang niyari nila ay isang panlalansi ng isang manggagaway. Hindi nagtatagumpay ang manggagaway saanman siya pumunta. Ṭā Hā 20:69 ⧉
Tafsīr:
Magtapon ka ng tungkod mo na nasa kamay mong kanan, mag-aanyong isang ahas ito na lululon sa niyari nila mula sa panggagaway sapagkat wala silang niyari kundi isang pakanang pampanggagaway. Hindi nagtatamo ang manggagaway ng isang hinihiling saanman siya naroon.