Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ṭā Hā — Talata 73 (Tagalog) — Bidyo

Ṭā Hā • Talata 73 sa 135 • Tagalog


إِنَّا آمَنَّا بِرَبِّنَا لِيَغْفِرَ لَنَا خَطَايَانَا وَمَا أَكْرَهْتَنَا عَلَيْهِ مِنَ السِّحْرِ ۗ وَاللَّهُ خَيْرٌ وَأَبْقَىٰ 73
Pagsasalin:
Tunay na kami ay sumampalataya sa Panginoon namin upang magpatawad Siya sa amin sa mga kamalian namin at sa ipinilit mo sa amin na panggagaway. Si Allāh ay higit na mabuti at higit na nananatili.” Ṭā Hā 20:73
Tafsīr:
Tunay na kami ay sumampalataya sa Panginoon namin sa pag-asang magpawi Siya sa amin ng mga pagsuway naming nagdaan gaya ng kawalang-pananampalataya at iba pa rito at magpawi Siya sa amin ng pagkakasala ng panggagaway na nagpumilit ka sa amin sa pagkatuto nito, pagsasagawa nito, at pagtatangkang manaig kay Moises dito. Si Allāh ay higit na mabuti sa pagganti kaysa sa ipinangako mo sa amin at higit na namamalagi sa [pagdudulot ng] pagdurusa kaysa sa ibinanta mo sa amin na pagdurusa."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ṭā Hā • Talata 72 Susunod Ṭā Hā • Talata 74