Talaga ngang nagkasi Kami kay Moises, na [nagsasabi]: “Maglakbay ka sa gabi kasama ng mga lingkod ko saka gumawa ka para sa kanila ng isang tuyong daan sa dagat; huwag kang mangamba sa pagkaabot at huwag kang matakot [malunod].” Ṭā Hā 20:77 ⧉
Tafsīr:
Talaga ngang nagkasi Kami kay Moises, na [nagsasabi]: "Maglakbay ka sa gabi mula sa Ehipto upang walang makaramdam sa kanila na isa man. Gumawa ka para sa kanila ng isang tuyong daan sa dagat matapos ng pagpalo sa dagat ng tungkod. Napapanatag, huwag kang mangamba na makaabot sa iyo si Paraon at ang konseho nito at huwag kang matakot sa pagkalunod sa dagat."