Kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos Namin sa inyo at huwag kayong magmalabis dito para [hindi] dumapo sa inyo ang galit Ko. Ang sinumang dumapo sa kanya ang galit Ko ay napariwara nga. Ṭā Hā 20:81 ⧉
Tafsīr:
Kumain kayo mula sa mga minamasarap kabilang sa itinustos Namin sa inyo kabilang sa mga pagkaing ipinahihintulot. Huwag kayong lumampas sa pinayagan Namin para sa inyo patungo sa ipinagbawal Namin sa inyo para [hindi] bumaba sa inyo ang galit Ko. Ang sinumang bumaba sa kanya ang galit Ko ay napahamak nga at nalumbay nga sa Mundo at Kabilang-buhay.