Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ṭā Hā — Talata 90 (Tagalog) — Bidyo

Ṭā Hā • Talata 90 sa 135 • Tagalog


وَلَقَدْ قَالَ لَهُمْ هَارُونُ مِنْ قَبْلُ يَا قَوْمِ إِنَّمَا فُتِنْتُمْ بِهِ ۖ وَإِنَّ رَبَّكُمُ الرَّحْمَٰنُ فَاتَّبِعُونِي وَأَطِيعُوا أَمْرِي 90
Pagsasalin:
Talaga ngang nagsabi sa kanila si Aaron bago pa niyan: “O mga tao ko, sinulit lamang kayo sa pamamagitan nito. Tunay na ang Panginoon ninyo ay ang Napakamaawain kaya sumunod kayo sa akin [sa pagsamba sa Kanya nang mag-isa] at tumalima kayo sa utos ko.” Ṭā Hā 20:90
Tafsīr:
Talaga ngang nagsabi sa kanila si Aaron bago ng pagbabalik ni Moises sa kanila: "Walang [layon] sa pagbuo ng guya mula sa ginto at pag-unga nito kundi isang pagsubok para sa inyo upang malantad ang mananampalataya sa tagatangging sumampalataya. Tunay na ang Panginoon ninyo, O mga tao, ay ang nakapagdudulot ng awa, hindi ang sinumang hindi nakapagdudulot sa inyo ng isang pinsala ni isang pakinabang, huwag nang sabihin na maawa sa inyo. Kaya sumunod kayo sa akin sa pagsamba sa Kanya – tanging sa Kanya – at tumalima kayo sa utos ko sa pamamagitan ng pag-iwan sa pagsamba sa iba pa sa Kanya."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ṭā Hā • Talata 89 Susunod Ṭā Hā • Talata 91